Isang 10-buwang gulang na sanggol ang namatay matapos maipit sa isang duyan sa Quezon City kamakalawa.

Base sa ulat na nakarating sa Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang sanggol na si Frederick Ballebar, ng No. 8 Robina Road, Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Sinabi ni Chief Insp. Rodel Marcelo, QCPD na nadiskubre ang malamig na bangkay ng sanggol nang kapatid nitong si Jennifer habang nakabitin sa duyan.

Naniniwalan ang mga imbestigador na nahulog ang sanggol sa duyan bago ito naipit sa isang nylon cord bago naiwang nakabitin na ikinamatay nito.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kasalukuyang abala ang ina ng sanggol na si Josie Alvarez sa pagtitinda nang maganap ang insidente, ayon sa pulisya.

“Iyong batang babae ang naiwang magbantay dun sa sanggol. Unfortunately, nagkaroon ng freak accident at nasakal iyong bata,” sabi ni Insp. Elmer Monsalve.

Ulat nina Francis T. Wakefield at Betheena Kae Unite