NEW DELHI (AP) — Pinaghananap ngayon ng Indian police ang isang taxi driver mula sa isang international cab-booking service na Uber sa diumano’y panggagahasa sa isang babae sa kabisera.

Natagpuan ng mga imbestigador ang taxi na inabandona ng 32-anyos na driver noong Linggo.

Ayon sa ulat, ang 26-anyos na biktima, nagtarabaho sa isang finance company, ay nanggaling sa isang dinner engagement noong Biyernes ng gabi at gumamit ng mobile app Uber upang makakuha ng masasakyan pauwi. Nakatulog siya sa biyahe at nang magising ay nakita niyang nakaparada ang sasakyan sa isang ilang na lugar, tinakot siya ng driver at ginahasa.

Sinabi ng Uber sa isang pahayag na makikipagtulungan sila sa pulisya para mahuli ang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20