Marian Rivera

MAS aligaga pa si Dong sa wedding namin," natawang banggit ni Marian Rivera nang tanungin tungkol sa preparasyon ng kasal nila ni Dingdong Dantes sa Disyembre 30.

"Pang-sixth bridal shower ko na ito," patuloy ng dalaga, "tinext ko nga si Dra. (Vicki) Belo, sabi ko kahit wala siya rito ngayon, thank you sa kanila ni Cristalle (Henares), na-touch ako, ang bait nila. Sabi ko nga sa kanya happy na ako sa billboard na bigay niya sa akin, huwag nang magpa-bridal shower."

Si Marian na yata may maraming bridal shower na ibinibigay ng mga kaibigan at pang-anim na ang regalo sa kanyang ng mag-inang Vicki at Cristalle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hindi ko po pinlano 'yan ibinibigay po sa akin 'yan. Ang sarap sa pakiramdam, tulad ngayon iba na naman kasama ko, kayong mga press people na nandiyan palagi para sa amin na tumu tulong. So masaya ako na sa bawat bridal shower na pinupuntahan ko, ito talaga 'yung mga mahal ko sa buhay.

"'Yung mga kaklase ko nu'ng college, mga kaibigan ko sa showbiz, so ngayon naman sa Belo mga press people na mahalaga sa amin at lahat espesyal," kuwento

ni future Mrs. Jose Sixto Dantes III.

Napakasaya ng 6th bridal shower ni Marian dahil isinabay na rin ang pa-Christmas party niya at ng Belo Medical Group sa entertainment press.

Ilang araw bago ang press bridal shower ay nagkaroon na ng pre-interview ang bride-to-be, kaya nakasulat na sa cards ang kanyang mga sa got.

Ito ang ilan sa mga tanong kay Marian.

When do you feel at your most beautiful?

"Upon waking up"

What's your bridal beauty secret?

“Siyempre, Belo Bridal Collection. Nagpapasalamat ako at merong ganito at least di ko na masyado iniisip kung ano talaga yung kailangan kong gawin to make sure na I look beautiful sa wedding namin ni Dong.”

What’s the least thing that you worry about your wedding?

“Sa tingin ko, ‘yun ay kung ano’ng magiging itsura ko, kasi ipinagkatiwala ko na ‘yun sa Belo. So in that aspect medyo worry-free ako. Sa ibang bagay ko nalang ibinubuhos ‘yung atensiyon at lakas ko.”

What is your favorite Belo Bridal procedure?

“’Yung laser hair removal siguro, kasi hindi siya masakit, ako pa naman mababa ang pain tolerance ko. ‘Yung sa Belo halos wala akong nararamdaman.”

If you could be invisible for a day, what will you do?

“I’ll visit may lolo.”

Ilang beses nag-propose si Dingdong?

“Twice siya nag-propose.”

Kailan n’yo planong magka-baby?

“Agad-agad. Gusto ko after the wedding agad.”

Ilang anak ang gusto mo?

“Hangga’t kaya ko.”