BAGUIO CITY – Isang fruit vendor ang hindi nakapalag nang arestuhin sa pagbibiyahe ng 44 na marijuana brick na nagkakahalaga ng P1.1 milyon sa may paradahan ng bus sa Barangay Sto Niño sa siyudad na ito.

Kinilala ni Senior Supt. Rolando Miranda, officer-in-charge ng Baguio City Police Office, ang nadakip na si Antonette Churping Sucdaren, 46, alyas Monette Sucdaren, ng Bgy. Saclit, Sadanga, Mountain Province.

“May nagtimbre sa pulisya na concerned citizen tungkol sa suspek na may ibiniyaheng marijuana bricks na nakalagay sa mga karton at pinaibabawan ito ng mga gulay para hindi mahalata at sakay ng bus mula sa Bontoc patungong Baguio City,” pahayag ni Miranda. (Rizaldy Comanda)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20