Patay ang isang lalaki na umano’y sangkot sa gun running at illegal drugs activity nang makipagbarilan sa mga pulis at tinamaan ng ligaw na bala ang dalawa pang katao sa Caloocan City, noong Huwebes ng gabi.

Sa report kay P/ Sr. Supt. Bartolome R. Bustamante, hepe ng Caloocan Police, dead on the spot ang suspek na si Roderick Dela Paz, alyas Odek, 34, binata, ng Phase 7, Block 22, Package 10, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sinabi ni PO3 Gomer Mappala ng North Extension Office (NEO), bandang 9:30 ng gabi, nagsagawa ng surveillance operation sina P/ Supt. Reydante Ariza sa Phase 8B, Package 3, Block 22, Bry. 176, nang namataan ang suspek na may sukbit na baril. Kaagad silang pinaputukan ni Dela Paz saka pumasok sa bahay ni Mrs. Nini Tizon at doon nakipagbarilan sa mga pulis. Tinamaan ng ligaw na bala sa katawan sina Dandi Ortilla, purok leader ng Bry. 176, at Richard Domalanta. Makalipas ang ilang minutong barilan, bumulagta ang duguang si Dela Paz.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3