NASUGBU, Batangas - Tatlong katao ang namatay matapos umanong ma-suffocate sa hinuhukay na balon sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jayvee Abreu, 21; Junmar Dastas, 23; at Roman Dastas, 48, pawang residente ng Sitio Anahaw 2, Barangay Maugat, Nasugbu.

Ayon sa report ni SPO1 Jose Elpidio Bruno Jr., dakong 11:30 ng umaga noong Huwebes nang iulat sa pulisya ang tungkol sa pagkamatay ng tatlo habang naghuhukay sa nasa 20 talampakang lalim na balon.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte