BEIRUT (Reuters) – Idinetine ng Lebanese army ang asawa at anak ng lider ng Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi habang sila ay patawid mula sa Syria siyam na araw na ang nakalipas, sinabi ng security officials noong Martes.

Ang babae ay kinilalang si Saja al-Dulaimi, isang Iraqi.

Iniulat ng pahayagang Lebanese na As-Safir na dinetina siya bilang koordinasyon sa “foreign intelligence”.

Sinabi ng isang mataas na Lebanese security official na ang asawa ni Baghdadi ay bumibiyahe kasama ng isa sa kanilang mga anak na babae.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Idinetine sila sa hilagang Lebanon matapos matuklasan na ang asawa ni Baghdadi ay gumagamit ng pekeng pasaporte, sinabi ng mga opisyal. Kinukuwestyon sila ng mga imbestigador sa Lebanese defense ministry.