Sam Milby

HINDI talaga feeling artista o feeling sikat si Sam Milby. Nakita ba namang nakasabit lang sa labas ng Starex Limousine niya habang papasok sa parking lot ng Ayala Fairview Terraces Mall noong Sabado ng hapon para sa show na All That Christmas Jazz handog ng Ayala Malls.

Nag-worry pala kasi ang Rockoustic Heartthrob na baka abutin ang bubong ng van niya dahil mababa lang ang ceiling ng mall kaya binibigyan niya ng instruction ang driver niya habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan.

Kaya ang ending, marami ang nakakita sa parking lot kay Sam na panay naman ang kaway at nagpa-picture pa sa mga tao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung sabagay, kabisado na namin na walang kaere-ere ang singer/actor. Hindi siya kapareho ng ibang artista o singer na kakilala namin na hindi lumalabas ng sasakyan hangga’t hindi sinusundo ng organizer o walang bodyguard.

“Sobrang humble ni Sam, parang hindi artista,” say pa sa amin.

Maski nga raw may marshalls nang sumundo ay si Sam pa ang umaabot ng kamay niya sa mga gustong makipagkamay.

Bukod sa mall shows, abala rin si Sam sa bagong album niya sa Star Records at shooting ng pelikulang Ex With Benefits na pagsasamahan nila ni Coleen Garcia sa direksyon ni Gino Santos for Skylight Films.

Isa si Sam sa groomsmen sa kasal sa Disyembre 20 ng best friend at partner niya sa negosyong Prost Bar Restaurant at Third District Coffee Shop na si Dominic Hernandez na kapartner din ni Kris Aquino sa Chow King Alimall.