VIGAN CITY, Iloocos Sur - Walang nagawa ang isang anim na taong gulang na bata kundi panoorin ang pananaksak at pagpatay sa kanyang ina sa kanilang bilyaran sa Narvacan, Ilocos Sur.

Kinilala ni Chief Insp. Rex Buyucan ang nasawi na si Rosallie Cacho, 42, biyuda, negosyante, ng Barangay San Jose sa Narvacan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng hindi nakilala na lalaking suspek ang bilyaran ni Cacho at walang abog na pinagsasaksak ang ginang sa harap ng anak nito.

Posible umanong isa sa mga manliligaw ni Cacho ang pumatay sa kanya.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20