MARY ESTHER, Fla. (AP)— Sinabi ng isang lalaki sa Florida na binaril, pinana, at sinaksak niya ang kanyang ina noong Linggo dahil ninakaw nito ang kanyang mga diamond at binigyan rin ng cancer ang kanyang ama, ayon sa mga awtoridad.

Nakatanggap ang Okaloosa County Sheriff’s Office ng tawag dakong 2:48 a.m. noong Linggo na nag-uulat na isang lalaki ang sumira sa Christmas decorations at sinisigawan ang isa pang tao. Nang dumating ang mga pulis, natagpuan nila ang 65-anyos na si Gloria Watkins na nakasalpak sa upuan at may nakabaon na pana sa kanyang ulo.

Inamin ni Michael Watkins, 42, na pinana niya ang kanyang ina. “You see that, that’s death,” ani Watkins habang itinuturo ang kanyang ina, ayon sa mga umarestong opisyal
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?