TARLAC CITY - Nasa tanggapan na ngayon ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ang kasong pang-aabuso laban sa limang batang lalaki na umano’y pumila sa isang 14-anyos na babaeng estudyante sa Shangrila Homes sa Barangay San Jose, Tarlac City, noong Sabado ng gabi.

Personal na dumulog sa himpilan ng Tarlac City Police ang biktima para ireklamo ang limang binatilyo na pawang taga-Bgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na niyaya ng isa sa mga suspek ang dalagita na magpunta sa Shangrila Homes sa Bgy. San Jose at nang sumapit sila sa lugar ay dinatnan nila ang apat pang suspek na nanonood ng telebisyon.

Nabatid na bumili ng alak ang mga suspek at nag-inuman kasama ang biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa report, may ibinigay ng tuyong dahon sa dalagita at puwersahang ipinalunok dito hanggang sa mahilo ang biktima.

Puwersahan din umanong pinainom ng alak ang biktima, na dinala sa kuwarto at doon halinhinang inabuso ng limang binatilyo