BANGKOK (Reuters) – Maantala ang Thai general election na nakaplano sa susunod na taon hanggang sa 2016, sinabi ng isang deputy prime minister noong Huwebes, isinantabi ang pangakong magbabalik sa demokrasya.
Nauna nang nagpahiwatig si Prime Minister Prayuth Chan-ocha, na pinangunahan ang military coup noong Mayo, na maantala ang ipinangakong halalan sa huling bahagi ng 2015.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan, na siya ring defense minister, na magaganap ang eleksiyon sa 2016, tinukoy ang mga grupong kontra sa junta, o National Council for Peace and Order, bilang isa sa mga dahilang ng pagkaantala.
“Right now there are elements opposed to the National Council for Peace and Order,” ani Prawit sa mamamahayag