Isang binata na hinihinalang lasing ang natagpuang patay at lulutang-lutang sa shipyard ng Manila Bay sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Sa pamamagitan ng isang identification card na nakuha sa kanyang wallet, nakilala ang biktima na si Roinnie Pascual, 31, ng 1441 M. Naval St., Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Wala itong sugat sa katawan at mga palatandaan na siya ay biktima ng summary execution, bagkus pagkalunod lamang ang anggulong tinitingnan hinggil sa pagkamatay nito.

Ayon sa report, bandang 5:30 ng madaling araw, nakita ni Hector Mendoza, 45, security guard, ang labi ng biktima na nakalutang sa R< Shipyard sa E. Rodriguez St., Barangay Tanza, Navotas City.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaagad na tumawag ng mga kawani ng Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO) si Mendoza at mabilis na iniahon ang labi ni Pascual.