HONOLULU (AP) – Masaya na sana ang mga piloto ng Island Air nang makatanggap sila ng $4,000 Christmas bonus — hanggang sa ipabalik sa kanila ang pera.

Sinabi ng regional airline na pag-aari ng bilyonaryong si Larry Ellison na napaaga ang pagbigay nito ng mga bonus noong Oktubre sa 45 piloto na umaabot sa kabuuang $180,000, iniulat ng Honolulu Star-Advertiser.

Nag-ugat ang pagkakamali sa kasunduan na bayaran ang mga bonus 30 araw bago ang pagdating ng mga bagong eroplano para sa airline. Ngunit naantala ang pagdating ng mga aircraft hanggang sa huling bahagi ng Enero.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20