KUMUKUTI-KUTITAP ● Hindi na talaga maaawat ang pagsapit ng Pasko. Marami sa ating mga kababayan, bago pa lamang supamit ang Araw ng Patay, nagsasabit na ng kung anu-anong palamuting pamasko sa kani-kanilang mga tahanan. Marami na ring munisipyo, sitio, barangay sa mga lalawigan ang nagsisipagsindi na ng kanilang naglalakihan at makukulay na Christmas tree. Tulad na lamang sa Malolos, Bulacan. Daan-daang mamamayan ang sumaksi sa pagsisindi ng mga ilaw ng kanilang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa loob ng isang shopping mall. Ito ay pinangunahan ng minamahal nating Malolos City Mayor Atty. Christian natividad, mga opisyal ng Robinsons Place sa pangunguna nina Emmanuel Buen, marketing manager; Adrian gonda ang public relation for marketing, at Sheryl Manlapuz. May taas na 30 feet, pinailawan ang higanteng Christmas tree bilang hudyat ng maningning na pagdiriwang ng panahon ng Pasko. Ang kaibahan ng Christmas tree na ito sa Malolos ay gumamit ito ng eco-friendly materials partikular na ang abaka, pati na ang mga ilaw ay LED (Light Emitting Diodes). Ang LED ang latest na technological advancement sa industriya ng ilaw. Maliliit at solidong bumbilya ang LED na napakatipid sa kuryente at hindi agad napupundi kung kaya mas mainam itong gamitin kaysa incandescent na mga bumbilya. Pangunahing layunin ng pagiilaw ng higanteng Christmas Tree ang pagpapatuloy ng sinauna pang tradisyong Kristiyano pati na ang paglalarawan ng kasaganahan at kaunlarang pinanatili ng isang komunidad.
***
KALIGTASAN, UNA SA LAHAT ● Ang kaligtasan ng mga mamamayan ang pangunahing dahilan kung bakit nasumikap ang ating sandatahang lakas na linangin ang kanilang galing sa pakikipagbakbakan pati na ang kanilang pagkakawanggawa. namahagi ang mga tauhan ng Joint Task group Sulu ng 2nd Marine Brigade sa mga lumikas na pamilya mula sa mga lugar na mayroong isinasagawang operasyon ang militar laban sa ASg sa Talipao. Mahigit 200 pack ng iba’t ibang goods ang ipinamahagi ng mga Marino sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Center (PDRRMC). Ayon sa militar, mas mainam pang ilikas ang mamamayan upang maiwasan ang matinding karahasan.