Laro ngayon: (Cagayan de Oro City)

5 p.m. Alaska vs. Globalport

Makabalik sa winning track at pagsosolo sa liderato ang tatangkain ng Alaska sa kanilang pagsagupa sa Globalport sa isa na namang road game ng PBA Philippine Cup na gaganapin sa Xavier University gym sa Cagayan de Oro City.

Sa ganap na alas-5:00 ng hapon magsasalpukan ang Aces at Batang Pier na naghahangad ng kanilang ikalawang back-to-back wins ngayong conference kasunod ng naiposte nilang 105-97 laban sa Talk 'N Text noong nakaraang Martes sa Smart Araneta Coliseum.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa nasa bing panalo, umangat mula sa kanyang mababang opensa si Terrence Romeo upang pangunahan ang Batang Pier sa kanilang ikaapat na panalo sa loob ng pitong mga laro na nagtabla sa kanilang biktima sa ikaapat na puwesto matapos na itala ang game-high na 30 puntos.

Naniniwala si coach Pido Jarencio na kailangan lamang sumunod ng kanyang mga player at maniwala sa kanilang sistema upang magtuluy-tuloy ang pag-angat nila.

"Sabi ko sa mga player namin just believe, magtiwala lang, sumunod lang sila sa game plan namin," ayon kay Jarencio.

Magtatangka ang Batang Pier na makakalas sa Tropang Texters para makapagsolo sa third spot ng team standings sa likuran ng Rain or Shine at Barangay Ginebra na mayroong laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito sa Antipolo City kontra sa Meralco Bolts.

Bukod kay Romeo, tiyak ding inaasahan para mamuno sa Batang Pier ang kanilang mahusay na rookie na si Stanley Pringle na marami na ang pinahahanga sa pilosopiya nito sa paglalaro na "team first".

Nariyan din sina Alex Cabagnot, Ronjay Buenafe, Nonoy Baclao, Keith Jensen, Mark Isip, isa pang mahusay na rookie na si Anthony Semerad at Yancy de Ocampo.

Sa kabilang dako, sa pagkakataong ito, targetnaman ni coach Alex Compton na makabawi ang iba pa niyang mga player at muling bigyan ng suporta ang tumatayo nilang lider na si Calvin Abueva matapos ang kanilang naging unang pagkabigo sa unang pitong laro sa kamay ng Barako Bull noong nakaraang Miyerkules ng gabi, 78-85, sa Smart Araneta Coliseum.

Naitala ni Abueva ang kanyang ikalimang double-double ngayong conference makaraang tumapos na may 16 puntos at 12 rebounds ngunit hindi iyon naging sapat para maisalba niya ang Aces laban sa Energy Cola na pinangunahan naman ni Denok Miranda na nagposte ng 21 puntos.