Nakikipag-ugnayan ang Makati City Police sa Embahada ng Thailand at sa pamilya ng 37-anyos na Thai matapos itong tumalon mula sa ika-15 palapag ng isang gusali sa Ayala Avenue sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Lasog ang katawan at halos basag ang bungo ng biktima na kinilalang si Kirk Priebjriyat matapos siyang tumalon buhat sa rooftop ng Bankmer Building sa Bel Air sa nasabing lungsod.

Sa pahayag sa pulisya ng testigong si Jumer Carpio, traffic enforcer ng Makati, napansin nito ang dayuhan na paikut-ikot at tila nagtatangkang tumalon mula sa rooftop kaya siya humingi ng tulong.

Subalit nakatalon na ang Thai bago pa dumating sa lugar ang tinawagang Makati Rescue team ni Carpio.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nabatid na sumabit ang katawan ni Priebjriyat sa puno bago bumulusok sa kalye sa tapat ng isang fast food chain.