Kung suki ka ng Sandali Lang, malamang na naghahangad kang mapabuti ang iyong buhay. Dapat ngang maingat ka sa iyong sarili lalo na sa pakikitungo mo sa iyong kapwa. Mahal mo dapat ang iyong sarili na higit pa sa sino man sa daigdig. Kaya nga nag-aaral kang mabuti upang maging kapaki-pakinabang na mamayan. Ang pagpapahusay ng iyong sarili ang pangunahin mong tungkulin. Sapagkat pinahuhusay mo ang iyong sarili, maraming bagay ang siniseryoso mo at mayroon ding hindi.

May mga bagay sa buhay ang dapat pakatandaan, lalo na yaong nagdulot sa atin ng karunungan mula sa ibang tao at sa sariling karanasan. May mga bagay ding dapat nang limutin; ito ang mga bagay na hindi naman nakatutulong sa pagpapahusay o pagpapaangat ng iyong buhay. Ni hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na iyon.

  • Kalimutan mo na may nasusuklam sa iyo. - Sa buhay, walang saysay na ikintal sa alaala ang mga taong hindi nagmamahal sa iyo. Mahalaga ang buhay mo. Kailangang mamuhay kang may nagmamahal sa iyo, hindi upang kasuklaman ng iyong mga kakilala. Ito ay dahil mahal mo ang iyong sarili at nais mong umangat ang iyong pamumuhay. Ngunit hindi ito nangangahulugan na kasusuklaman mo sila. May kanya-kanya tayong pagpapasya. Marahil may nakita sila sa iyo na hindi nila nagustuhan o lumabag sa kanilang paniniwala. Kung hindi mo maunawaan kung bakit nasusuklam sila sa iyo, mas mainam na huwag mo nang pakaisipin iyon. Mas mainam na mamuhay ka sa sarili mong paraan.
  • National

    Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

  • Kalimutan mo na ang mga taong galit sa iyo. - Kaakibat na ng ating personalidad ang galit. Kahit ang Papa sa Roma ay nagagalit din. Sa buhay, naroon ang galit, at normal lang iyon. Imposibleng makontrol nang lubos ang galit. Ngunit kung magsisikap kang kontrolin ang iyong damdamin at emosyon, posibleng makontrol mo ang iyong galit. May magagawa ka ba kung alam mong nagagalit ang isa o dalawa o marami pang tao sa iyo? Sa halip na lumublob sa negatibong pakiramdam, kalimutan mo na lang ang mga taong nagagalit sa iyo.

Sundan bukas.