Nakatuon ang suportang isasagawa ng BGC Cycle Philippines sa darating na Nobyembre 21 hanggang 23 bilang unang selebrasyon ng National Bike Day sa Pilipinas sa taon na ito.

Iba’t ibang aktibidad, na tinatampukan ng mga fun race sa mga kabataan at mga siklista, ang isasagawa sa tatlong araw na karera at cause-oriented group na hangad na mapalaganap ang malusog na komunidad sa pamamagitan ng pag-iwas sa polusyon sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagbibisekleta.

Tampok sa aktibidad ang meet and greet ng Australian na si Robbie McEwen, ang three-time winner ng Tour de France Green Jersey Sprinters’ Classification, na muling magbabalik sa bansa upang makiselebrasyon sa National Bike Day na inorganisa ng BGC Cycle Philippines.

Una nang ginanap ang aktibidad noong nakaraang taon kung saan ay libong kabataan ang sumali sa isinagawang fun race, novice category at ang pinaka-highlight ay makisakay kay McEwen kung saan kabilang ang Alaska Team owner at PGC Cycle Philippines president na si Wilfred Uytengsu.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University