CEBU CITY – Dalawang katao na sinasabing may criminal background ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis matapos silang umiwas sa isang checkpoint sa siyudad na ito kahapon.

Kinumpirma ni Cebu City Police Office (CCPO) Director Noli Romana ang pagkamatay nina alyas Saddam at alyas Jay-R, na kapwa may criminal record sa Mandaue City. Hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Nakaligtas naman, bagamat nabaril sa binti, ang kasama ng mga nasawi na kinilalang si Joseph Cueva.

Sinabi ni Romana na nagsasagawa ng checkpoint sa Leon Kilat at N. Bacalso Streets ang mga pulis bandang 1:00 ng umaga noong Martes nang mamataan ang pag-iwas ng mga suspek kaya hinabol ang mga ito na nauwi sa sagupaan. (Mars W. Mosqueda Jr.)
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod