Nagbabala si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director-general, Secretary Joel Villanueva laban sa mga pekeng training center sa bansa.

Ito ang paalala ni Villanueva matapos ipasara ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang RRR International Training Center Inc, sa DRT G27 Ground Floor, Plaza Cristina Building, Dolores, San Fernando City, Pampanga, matapos matuklasang nangangalap ito ng mga factory worker patungong Japan at South Korea at hindi rehistrado sa TESDA.

“Only institutions with registered programs and issued Certificate of TVET Program Registration (CoPR) by TESDA are authorized to offer tech-voc programs,” abiso ni Villanueva.

Aniya, para makasiguro, bumisita sa website www.tesda.gov.ph, magtungo tanggapan ng TESDA o tumawag sa hotline 8877777.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina