Ni VICKY FLORENDO

NASUGBU, Batangas – Isang 14-anyos na babaeng estudyante sa Grade 8 ang natagpuan ng kanyang ina na nakabigti sa puno at wala buhay sa Sitio Kaybibisaya sa Barangay Aga sa bayang ito noong Huwebes.

Huli na nang madiskubre ng 37-anyos na ina ang bangkay ng anak, may 100 metro ang layo mula sa kanilang bahay. Hinihinalang nagpakamatay ang dalagita.

Ayon sa imbestigasyon, madaling araw ng Nobyembre 12, 2014 nang hilingin ng dalagita na samahan siya ng ina sa eskuwelahan dahil late na siya sa klase at ayaw umano siyang tanggapin ng guro hanggang hindi niya dinadala ang mga magulang para magpaliwanag.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero sa halip na pumunta, pinagalitan ng ginang ang anak at pinagsabihang gumising nang maaga upang hindi nahuhuli sa klase.

Umalis ang dalagita sa bahay dakong 10:00 ng umaga noong Nobyembre 12 at hindi na umuwi hanggang matagpuan ng ginang ang nakabitin na bangkay ng anak.