Isang pulis at tatlong kasamahan nito ang nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and explosives matapos makumpiskahan ng tatlong hindi lisensiyadong baril sa harap ng isang mall sa Las Piñas City kamakailan.

Arestado rin ang mga suspek na nakilalang sina PO3 Magdaleo Pacia, 37, ng Lucky Homes, Barangay Pulang Lupa 1, Las Piñas City; Rogelio Villamor, 38; Edmar Hernandez, 28; at Reynaldo Ramos, 34, ng Sta. Cruz, Manila.

Naaresto ang apat sa harapan ng Ever Gotesco Mall sa Alabang-Zapote Road, Barangay Pamplona 3, noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., Las Pinas Police Station chief, na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kahina-hinalang kilos ng isang grupo ng mga lalaki na lulan ng isang Toyota Innova PQZ-179 at Nissan sedan UKK-188 kaya agad na pinapuntahan ang lugar kay PO3 Ritchie Pal na nagpapatrulya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nang sitahin, nadiskubre sa pangangalaga ng apat na suspek ang isang kalibre 45 pistola, isang 9mm rifle, isang 38 revolver at sari-saring bala.

Wala umanong maipakitang lisensiya para sa mga nasamsam na baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. - Mitch Arceo