Arestado ang dalawang most wanted na kriminal at dalawa pa sa serye ng anti–criminal operations ng mga elemento ng Criminal Intelligence District Group (CIDG) sa Quezon City noong Lunes, iniulat ng pulisya.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joel D. Pagdilao, kinilala ang dalawang suspek na sina Emmanuel Armas, 32, No. 9 most wanted criminal sa Quezon City, residente ng Pira Ext. St. Doña Rosario, Novaliches at Gerald Capili, 21, No. 8 most wanted, nakatira sa Principe 2 Kanan, Tupaz St. Subd., Novaliches.

Si Armas ay responsable sa panghoholdap sa isang spa at salon sa Barangay Talipapa, ng lungsod bukod pa sa kasong robbery w/homicide. Si Capili naman ay may kasong robbery sa Bgy. San Agustin, Novaliches.

Nasukol din sa mahigpit na kampanya ng QCPD laban sa mga kriminal sa lungsod sina Alex Lachica , kilabot na mandurukot sa Cubao at Rene Boy Casilac, madulas na snatcher sa Bgy. Pagasa, Quezon City.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20