CAMP G. NAKAR, Lucena City – Iniutos ng Southern Luzon Command (Solcom) ang pagpapaigting ng operasyon laban sa mga rebelde kasunod ng pag-atake ng huli sa himpilan ng Paluan Police sa Occidental Mindoro na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng apat na iba pa noong Biyernes ng hapon, iniulat kahapon.

Sinabi ni Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Solcom, na sundalo ang isa sa mga nasawi habang operatiba naman ng Paluan Police ang dalawa pang namatay, gayundin ang apat na nasugatan sa pag-atake bandang 4:15 ng hapon noong Biyernes.- Danny J. Estacio
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod