MULING magpapakasal si Marc Anthony, ayon sa mga ulat.

Napaulat na engaged na ang 46-anyos na singer sa kanyang nobyang modelo na si Shannon de Lima.

Ayon sa Us Weekly, Marso ngayong taon nang mag-propose si Marc kay Shannon, na on-and-off ang relasyon niya.

Iniulat pa ng magazine na magpapakasal na sina Marc at Shannon, pinaniniwalaang 26 anyos, sa Dominican Republic sa huling bahagi ng buwang ito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nangangahulugan din na madadagdagan pa ang mga anak ni Marc, dahil si Shannon ay may pitong taong gulang na anak na lalaki na si Daniel.

Anim ang anak ni Marc. May apat na anak siya sa mga dating karelasyon at may anim na taong gulang na kambal na sina Max at Emme sa dating asawang si Jennifer Lopez.

Lumabas ang ulat ng engagement ni Marc nang magkuwento si Jennifer tungkol sa sitwasyon nila ngayon ni Marc, na nakahiwalay niya noong 2011 pagkaraan ng pitong taong pagsasama.

Bagamat maayos ang kanilang relasyon, inamin ng bida ng Maid in Manhattan na nahihirapan pa rin siyang ipaliwanag sa kanilang mga anak ang sitwasyon nila ni Marc.

“It’s funny; they asked me about like, what happened with me and their dad. They’re six now. I tell them certain things, and then I say, ‘When you’re older I’ll explain it to you.’ But what I would hope they get from the book is that they save me,” sabi ni Jennifer sa panayam ng The Today Show. “Their love and loving them and them coming into my life really made me re-evaluate what I was doing with my life, and the relationships and the choices I was making in relationships sometimes, that only had to do with me, not the other person.” - Cover Media