Mga laro ngayon: (Rizal Memorial Baseball Stadium)

7 am ADMU vs ILLAM

9 am Opening Ceremonies

10 am RTU vs Throwbak

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

1 pm PHILAB vs Adamson

Sisimulan ngayon ng PHILAB ang pagtatanggol sa hawak na korona sa paghataw ng 2nd Philippine Sports Commission (PSC) Chairman’s Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.

Unang maghaharap sa torneo na magtatapos sa Disyembre 14 ang two-time UAAP baseball champion na Ateneo de Manila at ILLAM sa ganap na alas-7:00 ng umaga bago ang simpleng seremonya sa ganap na alas-9:00 ng umaga na pormal na magbubukas sa torneo na isinasagawa bilang pagkilala kay PSC chairman Richie Garcia.

Mismong si chairman Garcia ang magpapasimula ng ceremonial pitch bago ang ikalawang laro sa ganap na alas-10:00 ng umaga sa pagitan ng RTU at Throwback na susundan ng salpukan ng Adamson at pagdepensa sa korona ng PSC Commissioners Cup na PHILAB sa ala-1:00 ng hapon.

Kabuuang 14 koponan ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa torneo na magsisilbing selection process at tryout para sa mga manlalaro na mula sa pribadong asosasyon, unibersidad, kolehiyo at sangay ng military para makasama sa bubuuing pambansang koponan na isasabak sa darating na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Unang tinanghal na kampeon ang PHILAB sa ginanap na 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic noong Disyembre bago iniuwi ang korona sa 1st PSC Commissioners’ Baseball Cup noong Abril.

Ang iba pang kasaling koponan ay ang kasalukuyang 76th (2013-2014) UAAP title holder Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, International Little Association of Manila, Rizal Technological University (RTU)-Mandaluyong Blu Thunder, Throwback, Unicorns, Philippine Air Force (PAF) Airmen, Adamson University (AdU) Falcons, Bulacan State University (BSU), National University (NU) Bulldogs, University of the Philippines (UP) Fighting Maroons at University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers.

Pagkakalooban ng P50,000 ang champion squad at ang runner-up ay mabibiyayaan ng P25,000 bukod pa sa tropeo. May medalya naman para sa individual awards, regular MVP, Finals MVP, Best Hitter, Best Slugger, Most RBIs, Most Homerun, Most Stolen Base at Best Pitcher.

“We are holding this event again to strengthen the foundation of baseball through regular competitions involving different teams and at the same time tap young potential talents for future international competitions,” ani Garcia.