Isinailalim sa 30 days preventive suspension ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang 18 unit ng Dimple star Transport matapos masangkot sa isang malagim na aksidente kamakailan sa Batangas ang isa nilang bus.

Ang mga unit ng naturang kumpanya ng bus ay may rutang Manila–San Jose, Occidental Mindoro via Batangas, Calatagan, Roxas at vice versa.

Nagpadala na kahapon ng investigative team ang LTFRB sa garage ng Dimple Star transport sa South Point Subdivision, Banay–Banay, Cabuyao, Laguna upang kumpiskahin ang ‘for hire’ plates ng mga bus.

Inatasan ng LTFRB ang pamunuan ng bus company na dalhin sa ahensiya ang lahat ng mga bus sa loob ng 30 araw para isailalim sa inspection at matukoy ang road worthiness.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Isasailalim din sa road safety seminar ang tsuper ng bus.

Binigyan ng LTFRB ang kumpanya ng 72 oras para magpaliwanag kung bakit hindi maaaring kanselahin o ipawalang-bisa ang Certificate of Public Convenience nito.

Ang bus ng Dimple Star Transport na may plakang TYS-454 ay bumangga sa isang ten-wheeler truck sa Star tollway sa Barangay Maraway, Lipa City, Batangas kamakailan na ikinamatay ng dalawang katao, kabilang na ang konduktor, at ikinasugat 49 na pasahero.