Kahit matindi ang sikat ng araw, nagsasakripisyo pa rin ang mga residente sa isang barangay sa Malabon City ang dinaranas nilang baha tuwing high tide.

Abot hanggang dibdib ang tubig sa Artex Compound, Barangay Panghulo, Malabon City at nadadagdagan ang gastusin ng mga residente na kailangang sumakay sa bangka para makapasok sa opisina at eskuwela.

Ayon sa residenteng si Mang Danilo, nakasanayan na nila ang ganitong sitwasyon na “Kung umuulan tapos sasabay pa ang high tide, tiyak lubog na kami rito.”

Humihingi ng ayuda ang mga residente sa Pamahalaang Lungsod na maresolbahan ang kanilang problema tuwing high tide.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20