Matapos ang halos dalawang taon ng pagtatago, muling bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang drug pusher sa isinagawang raid sa hideout nito sa Tuguegarao City, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac ang naaresto na si Noel Arugay, alias “Burnik,” 36, isang construction worker at residente ng Luna St., Ugac Sur, Tuguegarao City.

Si Arugay ay kabilang sa Top Five Most Wanted Drug Personalities ng PDEA sa Region 2.

Naaresto si Arugay dakong 7:30 ng gabi noong Lunes ng PDEA agent sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin at Tuguegarao City Police Station sa isang compound sa Ugac Sur.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang naaresto si Arugay noong Setyembre 5, 2012 ng PDEA sa Ugac Sur subalit nakatakas din ito sa kustodiya ng pulisya matapos ang walong araw. - Francis Wakefield