LA PAZ, Tarlac – Isang lalaki ang nahaharap sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) matapos bundulin ng bisikleta at paulit-ulit na saktan ang isang batang babae sa Barangay San Roque sa La Paz, Tarlac.

Ayon kay PO1 Rochelle Callanta, isang babaeng Grade 8 pupil ang binundol ng bisikleta, sinabunutan, binuntal sa mukha at pinagsisipa sa iba’t ibang parte ng katawan ni Jerwin De Guzman, alyas Awet, 19, binata, ng Sitio Bagong Sikat, Bgy. San Roque, La Paz, Tarlac, na nakapiit na.

Bandang 8:30 ng gabi noong Nobyembre 1, naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan sa Mulawin Street nang bigla siya umanong binundol ng bisikleta ni De Guzman at paulit-ulit na sinaktan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary