STA. ROSA, Nueva Ecija - Isang 54-anyos na tricycle driver ang humabol sa Araw ng mga Patay makaraang makagitgitan ang isang hindi nakilalang naka-motorsiklo na pinagbabaril siya hanggang sa mapatay sa Sta. Rosa-Tarlac Road sa Barangay Rajal Sur sa bayang ito.

Sa ulat ng Sta. Rosa Police sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Nelson Lagat Gutierrez, 54, may asawa, ng Bgy. San Pablo Bata, Aliaga, Nueva Ecija.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Daniel Villanueva, dakong 7:30 ng gabi noong Linggo, pauwi na si Gutierrez sakay ng kanyang tricycle nang makagitgitan ang suspek na humantong sa pamamaril ng huli.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso