Kris Aquino

NAKAUSAP namin over the telephone ang manager ni Marian Rivera na si Rams David at humingi na kami ng latest updates sa nalalapit na kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30 sa Cathedral of the Immaculate Conception sa Cubao, Quezon City.

“Last Friday, October 31, personal na pinuntahan nina Yan at Dong si Kris Aquino, para kuning ninang nila sa kasal,” kuwento ni Ateng Rams. “Hindi pa sila tapos kumuha ng mga ninong at ninang, dahil isa-isa nilang pinupuntahan at personal na kinakausap, kung kailan at saan sila p’wedeng puntahan. Kaya si Kris, sa set ng shooting nila ng Feng Shui 2 pinuntahan. Masaya sila dahil tinanggap ni Kris ang request nila.”

Habang nalalapit ang kasal, sunud-sunod pa rin ang dating ng blessings at trabaho sa magkasintahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Katatapos lang naming mag-meeting ni Yan at inilatag ko sa kanya ang mga schedules pa niya hanggang bago siya ikasal. Sa Monday (ngayon) may bridal pictorial pa siya for a billboard. May bago siyang endorsement na magpi-presscon pa rin kami after ng show nila ni Dong sa Dubai, with Julie Ann San Jose, sa November 7. Mag-i-stay lang muna sila to rest for two days doon bago bumalik dito.

“Sunud-sunod din ang guestings ni Yan sa iba pang shows ng GMA-7. Hinahanapan pa namin ng date ang paggi-guest niya sa Vampire Ang Daddy Ko, para sa promo ng movie nilang My Little Bossing Adventures with Bossing Vic Sotto, for the coming Metro Manila Film Festival. Sure naman siyang sasakay sa festival float sa December 23. Nahanapan na rin namin ng date ang presscon at premiere night nila. Maggi-guest pa rin si Yan sa Pepito Manaloto dahil nire-request siya. Basta naman may available siyang time, hindi tumatanggi si Yan. Kahit nga sa ‘Juan for All All for Juan,’ ng Eat Bulaga, dumarating pa rin siya para samahan sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros basta available siya.”

Sunud-sunod ang schedules ni Marian habang tuluy-tuloy ang GMA regional shows at pag-attend tuwing may mga batang ooperahan ng cleft lip at cleft palate, para sa bago niyang advocacy na “Smile Train” kaya pabirong sabi ni Ateng Rams, dinadaan na lang sa pagkain ni Marian ang pagod. Para nga raw kargador ito kung kumain, pero hindi naman tumataba.

Last week of November, imi-meet din nina Dingdong at Marian ang kanilang fans na maiimbitahan sa wedding reception. May despedida de soltera uli si Marian sa first week of December. Si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Marian at si Francis Libiran naman ang tatahi ng gown na isusuot niya sa reception.

May humabol pa rin daw na bagong endorsement si Marian na magsu-shoot bago ang wedding pero sa January 2015 na gagawin ang presscon at release ng produkto, malamang after nilang makabalik ni Dingdong from their honeymoon.