Angeline, Angelica at Assunta copy

Angelica, inokray ang ‘botox actresses’

Assunta, masaya raw sa married life

HINDI pinoproblema ni Angeline Quinto ang kawalan ng imik ni Erik Santos tungkol sa kanilang relasyon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Iyon ang usapan namin,” katwiran ng singer-actress nang makausap namin sa premiere night ng Beauty in a Bottle na pinapanood ngayon ng mga kababayan natin na gustong humalakhak nang walang patumangga.

“Hindi kasi marunong sumagut-sagot sa mga interview si Erik, kaya sinabi ko sa kanya na kumanta na lang siya nang kumanta at ako na ang bahalang sumagut-sagot. Ang importante, mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Kaya okey na ang set-up natin,“ sabi ni Angeline na hindi malaman kung seryoso o hindi.

“Masaya ako sa relasyon namin, kita n’yo naman, blooming na blooming ako,” pahabol pa sabay halakhak.

Ang pinagsisisihan lang ni Angeline ay hindi niya pinilit si Erik na sumama sa kanya sa premiere night.

”Siguro kasi magseselos siya dahil panay-panay ang pulupot ko kay Tom Rodriquez, na leading man ko. At halik pa ako nang halik sa kanya. Kahit ang tingin ko sa sarili ko ay pangit ako compared sa mga kapatid ko, balewala sa kanya. Talagang love niya ako at natuklasan ko ito nang mapahiya ako sa parent niya dahil effort ako nang effort ako na gumanda, iyon pala’y gusto niya ang tunay na ako. ‘Yung simple ako at gandang-ganda siya sa akin kahit nagbebenta lang ako ng condo sa halls ng malls.”

Hindi naman ginusto ng ABS-CBN management na eskortan ni John Llyod Cruz si Angelica Panganiban sa premiere night.

Baka nga naman ma-overpower si Angelica sa presence ni John Lloyd. Siyempre mas dudumugin si John Lloyd kaysa kay Angelica. Actually, dapat lang sanang manood si John Llyod dahil maaaliw siya nang bonggang-bongga ng dyowa niya sa buong pelikula, lalo na sa ending. Grabe sa galing si Angelica.

Nang batiin ko si Angelica sa malaking tuwa ko at bulungan na baka ma-offend si Dra. Vicky Belo sa itsura niyang hindi na halos maigalaw ang bibig at mata dahil sa kabo-botox, agad niyang ipinagtanggol ang doktora.

“Hindi naman si Dra. Belo ang tinutukoy na pinanggagalingan kong dermatologist,” sagot ni Angelica. “Ini-spoof lang namin ang ibang artista diyan na sa sobrang pagpapa-botox ay naapektuhan na ang acting.”

Nang tanungin ko kung sinu-sino ang tinutukoy niya, agad siyang umiwas.

”Siyempre, hindi ko na sasabihin kung sinu-sino. Bahala na kayong mag-observe kapag napapanood n’yo sila sa kani-kanilang pelikula.”

Marami naman ang nang-iintriga na hindi masaya si Assunta de Rossi sa kanyang buhay may asawa. Pero, idinenay niya ito.

Eleven years na silang nagsasama, at wala pa ring anak. Tiyak sanang magiging maganda ang supling nila lalo na’t may lahing Italian si Assunta.

Bakit?

“Masyado lang kaming busy pareho sa aming mga work, kaya hindi kami laging nagkakasama. Kagaya ngayon. Alam mo na sa pulitika, maraming intriga. Nag-iingat siya. Ako naman, ‘kita n’yo at may offers pa rin ako. Kaya, okey kami. Don’t worry about us, dahil, okey talaga kami.”