Kinasuhan na naman ng plunder sa Office of the Ombudsman si Senate President Franklin Drilon kaugnay ng ng umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Iloilo Convention Center.

Idinahilan ni Manuel Mejorada, dating provincial administrator ng Iloilo, natuklasan nila na overpriced ang pagpapatayo ng mambabatas at ng iba pang opisyal sa naturang proyekto.

Bukod dito, sinampahan din si Drilon ng malversation of public funds, dishonesty at grave misconduct.

Kasama rin sa kinasuhan sina sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Tourism Secretary Ramon Jimenez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pitong iba pa ang isinama sa reklamo, kabilang ang mga opisyal ng Hilmarcs Construction Corporation na matatandaang nagsilbi ring contractor ng kontrobersiyal na Makati City Hall Building 2.

Sumobra aniya ng P488 milyon ang ginastos sa Iloilo Convention Center na dapat ay P192 milyon lamang katulad ng nakasaad sa mga dokumento na hawak nito na kabilang sa mga ebidensya nito.

Ang nasabing pondo aniya ay nanggaling sa sariling bersyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mambabatas.