Namatay sa pagamutan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na tumalon sa isang flyover sa Makati City noong Martes ng madaling araw.

Patay ng idating sa Ospital ng Makati (OsMak) ang lalaki na tinatayang nasa 5’5” ang taas, hanggang 60-anyos, nakasuot ng abo na sando, dilaw na short, semi-kalbo at may nunal sa kaliwang pisngi.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Rico Caramat ng Makati City Police, dakong 3:10 ng madaling araw nang matagpuan ang duguang katawan ng lalaki sa ibaba ng flyover sa kanto ng Kalayaan Avenue at Jervois Streets, Bgy. Pinagkaisahan.

Nakalagak ang labi ng biktima sa Veronica Funeral Parlor.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20