MAYANTOC, Tarlac— Walang awang pinagtataga ng isang lalaki ang kabarangay nito sa Carabaoan, Mayantoc sa Tarlac kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO3 Celso Rico Isidro, ang biktima na si Joel Samaniego na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at kasalukuyang inoobserbahan sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital.

Habang si Rolly Subiate, nasa hustong gulang, ay humaharap sa kasong frustrated murder.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa balkonahe nang biglang dumating si Subiate at tinaga si Samaniego sa ulo dulot nang matagal na alitan nilang dalawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho