Hindi ipatutupad sa hudikatura ang four-day work week scheme na inikomenda ng Civil Service Commission (CSC) para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

Batay sa notice of resolution na may petsang Oktubre 14, 2014 at pirmado ni Clerk of Court Enriquetta Vidal, nagpasya ang kataas-taasang hukuman na tanggihan ang pagpapatupad ng four-day work week scheme sa hudikatura.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Office of Administrative Services sa Supreme Court En Banc.

Matatandaang Setyembre 8 ngayong taon nang nagpalabas ang CSC ng resolusyon kaugnay ng pagpapairal ng four-day workweek scheme sa ilang ahensiya ng gobyerno sa sa Metro Manila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ilalim ng voluntary basis na apat na araw na pagtatrabaho kada linggo, maaaring magpatupad ang mga ahensiya ng gobyerno ng work schedule na Lunes hanggang Huwebes o Martes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi na may isang oras na lunch break.

Ayon sa sources, makaaapekto ang nasabing work scheme sa mga schedule ng pagdinig at iba pang court proceeding.