Ni MARIO B. CASAYURAN

Pinangunahan ng dalawang mambabatas ang hakbangin upang pormal nang ibasura ang 15 anyos na PH-US Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ay matapos na maghain kahapon sina Senator Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate Foreign Relations Committee at ng Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement (LOVFA); at AKBAYAN Party-List Rep. Walden Bello ng joint resolution para pormal nang pawalang-bisa ang VFA.

Inaatasan din ng pinag-isang resolusyon si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert F. Del Rosario na isilbi ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Amerika.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa inequity ng VFA sa kostudiya sa sundalong Amerikano na suspek sa pagpatay sa isang Pilipino, umapela rin si Santiago na ibasura na ang kasunduan dahil hindi ito pabor sa soberanya, kalikasan at record ng karapatang pantao ng Pilipinas.

Ang paghahain ng resolusyon ay bunsod ng pagpatay noong Oktubre 11 sa kay Jeffrey “Jennifer’’ Laude sa isang hotel sa Olongapo City na sinasabing kagagawan ni US Marine, Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Pagkatapos maakusahan sa krimen, pinababa si Pemberton sa barkong nakadaong sa Subic Bay at pansamantalang nakapiit sa isang US custodial facility, ang Joint US Military Agreement (JUSMAG), sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sa iginigiit na kailangan ng Pilipinas ang VFA laban sa China, sinabi ni Santiago, “The VFA does not imply that the US will come to our aid, in case of a firefight with China over the West Philippine Sea. On the contrary, in 2013, then US Secretary of State Hillary Clinton said that the US would be neutral.”