Tigilan na ang katitingin sa salamin.

Ito ang ipinayo ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, interim president ng United Nationalist Alliance (UNA), kay Caloocan City Rep. Edgar Erice na nagbunyag na natuklasan nito ang plano ng oposisyon na tinatawag na “Oplan Maligno.”

“Mr. Erice, stop looking at the mirror,” saad sa pahayag ni Tiangco. “I’m sure naisip niya ‘yun nung pagtingin niya sa salamin at nakita niya ang sarili niya. The question he has to answer is bakit ngawa siya nang ngawa but up to now the LP is not even appointing him as spokesperson.”

“He cannot even convince his party mates to appoint him as Official LP spokesperson. So siya ang malignong makapal ang mukha,” ani Tiangco.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20