ISULAN, Sultan Kudarat – Isang pulis ang nasugatan habang nasawi naman ang isa sa mag-asawa sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa kalsada sa Sultan Kudarat nitong Oktubre 23 at Oktubre 25.

Huwebes nang pinagbabaril ng isa sa apat na nakasakay sa mga motorsiklo si PO1 Arman Guipal Dimatingkal, 32, may asawa, nakatalaga sa PPSC-Maguindanao at residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, habang nakatayo sa gilid ng national road sa Barangay Ala sa Esperanza.

Nakaganti ng putok si Dimatingkal at tinamaan ang isa sa mga suspek na isang Boy Biang, 24, ng Bgy. Banaba, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao, na binabantayan ngayon sa ospital,

Samantala madaling araw nitong Oktubre 25 naman nang pagbabarilin habang sakay sa motorsiklo at nagbibiyahe sa Bgy. Bayawa sa President Quirino ang mag-asawa nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinamaan sa tiyan at nasawi si Bernan Guinang y Tagose, 58, habang sa dibdib naman ang tama ng misis niyang si Trinidad Guinang, 48, kapwa ng Bgy. New Carmen, Tacurong City.

Ayon sa 30-anyos na anak ng mag-asawa, walang kaaway ang mga ito at nakapagtatakang hindi tinangay ng mga suspek ang motorsiklo at maging ang perang dala ng mga biktima. - Leo P. Diaz