Mapapanood bukas ang maaksiyong Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts title fight sa Sunday Night Box Office (SNBO) sa GMA-7.

Sina GMA Sports correspondent Mark Zambrano at Kapuso actor na si Rocco Nacino ang tatayong mga host ng event.

Sa pangunguna ng “Father of Philippine Martial Arts” na si Alvin Aguilar, ang URCC 25: Takeover ang una at pinakamatagal na professional mixed martial arts tournament sa Pilipinas at maging sa South Asia.

Kaabang-abang ang tapatan sa pagitan nina Andrew Benibe at Onyok Transmonte kung saan nakataya ang bakanteng URCC bantamweight title.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kanilang ikalawang paghaharap, determinado si Transmonte na muling talunin si Benibe.

“Iyong mga nakaka-training niya, hindi kasing lakas o galing ng mga partner ko rito,” pahayag ni Transmonte.

Samantala, buo naman ang kumpiyansa ni Benibe na siya ang maguuwi ng titulo sa pagkakataong ito.

“I’ve been competing for about, nine, ten years. I’m ending my career with a belt,“ pagyayabang ni Benibe.

Tampok din ang laban nina Caloy Baduria at Mark Palomar, gayundin nina Chris Hoffmann at Nickson Kola para sa light heavyweight championship at lightweight championship titles.

Abangan ang lahat ng ito sa URCC 25: Takeover Sports Special bukas sa SNBO pagkatapos ng Bet ng Bayan.

Ang GMA-7 ang official free TV partner ng URCC 25: Takeover.