SAN MANUEL, Tarlac— Hindi na inabutan ng isang matandang lalaki ang paggunita sa Araw ng mga Patay at sa halip ay napasama sa mga gugunitain matapos atakehin sa loob ng San Manuel Public Cemetery, Barangay Lanat, San Manuel, Tarlac noong Lunes ng umaga.

Sa follow-up investigation ni Senior Inspector Abraham Atencio, hepe ng San Manuel Police Station, natagpuang patay sa nasabing lugar si Genaro Daligdig, Sr., 72, may-asawa, ng Barangay Lanat, San Manuel, Tarlac.

Sa medical examination ni Dra. Araceli Estrada, Municipal Health Officer ng San Manuel Health Center, lumalabas na cardiac arrest o atake sa puso ang ikinamatay ng matanda.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20