Arestado at nakapiit ngayon sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang rookie police na si PO1 Ronnie Barandon matapos barilin ang isang vendor na may sukbit na pekeng baril sa Quezon City, iniulat kahapon.

Si Valentino Costales, may–asawa, talipapa vendor, ng No. 17 J.P. Rizal St., Project 4, Quezon City ay namatay kamakalawa sa World City Hospital dahil sa tatlong tama ng bala ng 9mm sa katawan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng CIDU, dakong 3:30 ng hapon nang magsumbong ang mga residente sa Kalantiaw St., Project 4 ng lungsod sa QCPD PS 8 na may sukbit na baril ang biktima at nananakot sa lugar.

Agad na rumesponde si PO1 Barandon at nang lapitan para sitahin si Costales ay bigla siya nitong hinataw ng kahoy sa ulo kayat gumanti ng putok ang pulis.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nagpagamot muna ang pulis sa Quezon Memorial Medical Center bago sumuko sa mga kabaro.

Nalaman ng mga imbestigador na peke pala ang baril ng biktima. Sinampahan na ng kasong homicide sa Quezon City Prosecutors Office si PO1 Barandon.

Jun Fabon