Isang 21 anyos na babae ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) habang nasa aktong nangingikil sa isang shopping mall sa Ermita, Manila kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni PO3 Jay-Jay Jacob, officer-on-case, na naaresto sa Diana Lyn Callao dakong 1:00 noong Sabado ng hapon sa Happy Lemon Restaurant sa loob ng Robinson’s Mall sa Ermita.

Kasalukuyang nakakulong si Callao sa MPD-Women and Children’s Protection Desk.

Lumitaw sa imbestigasyon na gumamit si Callao ng pekeng Facebook account na may pangalang Lee Andrei Iñigo Santilla at nang magpanggap ito na isang binata, tuluyan na naging boyfriend ng biktimang si Maricor Añonuevo sa social networking site.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Naipaskil umano ni Callao ang isang video sa Facebook kung saan nagsasagawa ng oral sex si Añonuevo. Dahil sa takot na lumaki ang sex video scandal, ilang ulit binigyan ng salapi at sapatos ni Añonuevo si Callao.

Nabuking lamang ni Añonuevo ang tunay na pagkakilanlan ni Callao nang gumamit ang una ng ibang cell phone upang tawagan ang suspek.

Sa puntong ito, humingi na ng tulong ang tiyuhin ni Añonuevo na si Ronald Juico sa MPD General Assignment Section na nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek gamit ang P20,000 marked money. - Rachel Joyce E. Burce