Hinihinalang selos ang dahilan kung kaya’t nagawang magbigti ng isang mister sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Tondo, Manila, nabatid kahapon.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Salang, 25, residente ng 924 Gate 3 Area H, Parola Compound, Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Rodelio Lingcong, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 5:00 ng hapon nang nadiskubreng nakabigti ang biktima gamit ang isang kumot sa loob ng kanilang tahanan.

Mismong ang kanyang live-in partner na si Dolores ang nakadiskubre sa pagpapakamatay ni Salang.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ayon kay Aling Elvira, ina ng biktima, dalawang araw bago natagpuang patay ang biktima ay nagtalo ito at ang kanyang live-in partner.

Hinala umano ng biktima na may kinahuhumalingang iba ang kanyang live-in partner dahilan kaya halos gabi-gabi umano silang nagtatalo.

Sa kabila naman nito, inaalam pa ng pulisya kung selos nga ang motibo ng pagpapakamatay at kung may foul play sa insidente.