Alden Richards as Jose Rizal

NAGULAT si Alden Richards nang sa kanya ibinigay ang role ni Dr. Jose Rizal sa Ilustrado, ang unang bayani na featured sa Bayani Serye ng GMA-7 na ipalalabas na sa Philippine Primetime World Premiere simula ngayong gabi, pagkatapos ng Strawberry Lane.

Alam pala kasi niya may mga una nang na-consider to play the role pero sa kanya nga ito napunta.

“Nang magsimula po kaming mag-taping, hindi ko alam kung ganoo kalaki ang scope ng story sa buhay ni Rizal na gagawin namin,” kuwento n Alden. “Akala ko ilang important scenes lang ang kukunan namin, tulad ng ibang seryeng ginawa ng GMA, hindi pala -- buong buhay niya, hanggang sa pagbaril sa kanya sa Bagumbayan.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Doon na po pumasok iyong kaba ko na baka hindi ko mapantayan ang acting ng mga unang gumanap na Rizal tulad nina Cesar Montano, Joel Torre at Albert Martinez. Pero ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para hindi naman ako mapahiya sa kanila at sa expectation ng GMA.

“Ang maganda po lamang dito, binigyan ng ibang perspective ng mga writers, sa tulong ng mga historical consultants na sina Michael Charleston ‘Xiao’ Chua, Victor Torres, Phd, Lars Ubaldo, Phd at ni Direk King Marc Baco, para mas maintindihan ito ng ating kabataan ngayon.

“Early 20’s pa lamang pala si Rizal nang pumunta siya sa Europa para mag-aral kaya mapapanood din dito na si Rizal ay very human, na marami rin siyang ginawa noon tulad ng pagiging playboy niya, nagsugal din siya, uminom ng alak, pero ang pagmamahal niya sa kanyang bayan at pamilya, hindi niya pinabayaan, kahit isakripisyo ang kanyang buhay. Sana po ay mapanood ninyo dahil ipalalabas lamang ito ng 20 gabi.”

Bago nagkaroon ng grand launch last Thursday lunchtime, katatapos lang nilang mag-taping nang umagang iyon, kaya nagpasalamat si Alden dahil medyo may mababawas na sa kanyang busy schedules.

Inamin ng young actor na hindi na siya nakakauwi ng bahay nila kaya naliligo na lang siya sa small hotels bago siya pumunta sa susunod niyang schedule.

Kasabay din kasi sa taping ng Ilustrado ang regional tapings naman nila ng Bet ng Bayan which he is hosting every night at every Sunday with Regine Velasquez-Alcasid para sa update ng reality talent show ng GMA ang tuloy niya. May sumisingit pang schedule ng photo shoot para sa bagong endorsement at taping ng Pamaskong Kapuso Milyonaryo with Joey de Leon.

Bukod kay Kylie Padilla na gaganap bilang only love ni Rizal, si Leonor Rivera, kasama rin ni Alden sina Solenn Heussaff as Nellie Bousted at Max Collins as Consuelo Ortiga as his European lovers. Gaganap na ina niyang si Teodora Alonzo si Eula Valdez, at may special participation sina Jaclyn Jose, Polo Ravales, Freddie Webb, Ricardo Cepeda at iba pa.