jonalyn

MULING bibirit sa entablado si Jonalyn Viray sa concert niyang #Fearless: The Repeat.

Ito ang pangalawang major concert ni Jonalyn na magsisilbi ring benefit concert para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Dahil sa tagumpay ng unang #Fearless major concert noong Pebrero, nagdesisyon ang kanyang concert producer na ulitin ang kakaiba at bolder version ni Jonalyn na nasaksihan ng mga manonood.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Wala na talaga akong inhibition and isinapuso ko ang lahat ng mga natutunan ko from my first major concert. Dito ko ‘yun maipapakita. Like before, there’s gonna be a song na bawat manonood, makaka-relate,” ani Jonalyn.

Special guests ng soul princess pagat fearless diva sa #Fearless: The Repeat sina Tom Rodriguez, Thor, at Jaya.

Unang nakilala si Jonalyn nang sumali sa Pinoy Pop Superstar ng GMA-7. Siya ang hinirang na unang grand champion ng talent search, at simula noon ay nakita at narinig na ang husay niya sa iba’t ibang tours, guestings at variety shows gayon din sa pag-awit niya ng teleserye theme songs, isa na ang ending theme ng My Husband’s Lover na Help Me Get Over na tinanghal bilang Song of the Year sa 6th PMPC Star Awards for Music kamakailan.

Huwag palampasin ang #Fearless: The Repeat ni Jonalyn Viray sa November 14, 2014, 8 PM, sa Music Museum.