BACOLOD CITY – Nakulong ang dalawang pulis matapos pagsimulan ng komosyon ang maingay na pag-aaway habang nag-iinuman sa loob ng isang bar sa Barangay 2 sa Sagay City, Negros Occidental.

Kinilala ng awtoridad ang halos 12-oras na napiit na sina PO2 Jerwin Plural at PO2 Eduardo Villegas, kapwa nakalataga sa Escalante Police.

Base sa imbestigasyon ng Sagay City Police, hindi naka-uniporme ang dalawa at maingay na nag-aaway habang nag-iinuman kaya humingi na ng tulong sa awtoridad ang ilang residente.

Nahaharap sa kasong administratibo sina Plural at Villegas.
Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon