VICE-Ganda-copy

NAGBALIK na sa It’s Showtime pero walang malinaw na balita kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkakasakit ng diarrhea ni Vice Ganda, ayon na rin sa isang staff ng It’s Showtime na nakausap namin. 

Dagdag pa ng insider, naalarma ang namamahala ng show nila dahil bago bumalik sa show ay may nakarating na balita sa kanila na magla-lie low si Vice sa programa dahil na rin sa payo ng mga doktor niya.

“Sa totoo lang, naramdaman naming lahat na kung walang Vice Ganda sa show, parang may malaking kulang,” sey pa ng source. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mataas ang lagnat at may LBM si Vice nang isugod sa ospital last week. Kuwento pa ng source, Thursday pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ni Vice sa katawan niya. 

“Friday, eh, hindi na niya sinipot ang show namin dahil masama na raw ang pakiramdam niya pero kinabukasan, akala namin, eh okey na siya dahil nag-report na siya sa shooting niya ng Praybeyt Benjamin, pero lalong sumama yata ang pakiramdam niya kaya ipinasok na siya sa ospital,” sey pa ng source. 

Katigasan ng ulo ni Vice ang binanggit ni Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight na maaaring dahilan ng pagkakasakit ng kaibigan. Sabi ng Queen of All Media, hindi kumakain ng kahit na ano si Vice before Showtime.

Walang almusal at tanghalian si Vice at kumakain lang after the show.

Isa pa rin, aniya, sa maaaring dahilan sa pagkakaospital ni Vice ang sobrang pagpupuyat. Kadalasan ay pasikat na ang araw na kung matulog si Vice, at gigising naman para sa It’s Showtime.